Sobrang tahimik na ng Tumblr or ako na ‘tong tahimik? Nasaan na ‘yung sigla. Okay.

September 9, 2014
First Teaching Demonstration in Grade II-A

Alam kong walang may pakielam sa blog entry ko na ‘to hahaha. Last week nag demo na ako and yes after kong makapag demo feeling ko lahat ng tinik sa lalamunan ko natanggal na isama ko na maski ‘yung pako na sobrang nakabaon sa lalamunan ko. Wala akong practice sa demo ko nun, ni hindi ko praktisado ‘yung mga sasabihin ko and then orientation churva churva lang ginawa ko before my demo and then kinabukasan, iniiwasan kong kabahan kahit na alam kong kabado ako, medyo lang hahaha. 

After kong magdemo, nagulat ako sa cooperating teacher ko na sinabihan kong congratuations! before and after kong ma-execute ‘yung demo ko.

Next year naman, dalawang demo na naman ang haharapin ko. Sabog na brain cells ko. Hahaha.

Medyo blur, nainis ako sa kumuha kase maayos ‘yung kuha ko sa kanya. Nakakainis forevs. Okay lang ang importante e may picture.

Thank you God. Thanks talaga!

Teacher Noemi.

  • Ilang beses na rin akong nagpakamatay sa isip ko.

Ang sarap lagyan ng caption chuchu hahaha.

"Talagang pang-teacher ka"

Gusto kong umiyak ng isang timbang luha nitong last last week hanggang ngayon dahil nakatatlong ulit na akong ulit na topic para sa demo ko na next next week ko ng i-e-execute. Ang saya diba? Ni anong devices wala pa akong nagagawa.

Tas kanina bumalik ako sa school para ipa-check ‘yung topic ko pero nagulat ako nung sinabi niyang ibahin ko dahil mahirap intindihin at baka malito ‘yung bata, iiyak na sana ako nung sinabi niya un. Nasayang ung oras ko pero I know plano lang ‘to ni God.

Pero ang weird lang ng feeling ko dahil ang positive ko na makakayanan kong ituro to e sobrang pessimist ko tao. Ang sarap pala sa feeling.

Habang nagsusulat ako ng panibagong lesson plan, iniisip ko na tangina gahol na gahol na ako tas nagulat ko nung nagsalita si Ma’m na “‘Wag kang magalala, kaya natin ‘yan, kaya mo ‘yan” sinabi niya un na para bang nababasa niya ung isip ko, natakot na tuloy akong magsalita sa isip ko hahaha! Tas habang nag kkwento siya about sa mga nahawakan niyang mga Interns/Student Teacher, sinabi ko na wala naman akong problema sa Devices dahil kaya ko namang i - drawing bigla akong naging confident sa sarili ko nung sinabi niyang. “eh, talagang pang teacher ka”. Ewan ko iba ‘yung dating sakin. Haha.

Please, sana makagawa na ako ng lesson plan at makapag dry run na. Iiyak na ako pramis.

  • Okay lang 'yan. Ngiti na.

Nakakapagod na pero positive lang.

Wala akong oras para maging pessimist ulit, ngayon ko lang na-realized na doon pala masasayang ang oras ko.

Para sa akin, gusto ko ng ubusin ang idealism ko sa isang bagay na makabuluhan at pinahahalagahan ko. Pero kung tutuusin, hindi ba mas realistic ang tumugon sa mga pangangailangan na totoong-totoo para sa bansa mo? - Sabrina Ongkiko

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit ako ngayon sa sitwasyon na ‘to, nag-aaral ng Education, minsan hindi sinusunod ang mga sinasabi sa Principles of Teaching, hindi pinag-aaralan mabuti ang mga sasabihin sa reporting kumabaga may mema lang sa totoo lang hindi talaga ako seryoso sa mga ginagawa ko noon pero nung nakita ko ang tunay na sitwasyon ng mga bata sa Public School? Totoo ‘yun, may mga Teacher na naninigaw, nanakit ng estudyante, masyado lang talaga siguro ako nag-ilusyon sa pagiging perpekto ng lahat ng bagay sa realidad, akala ko ganoon lang kadali ang magturo sa harapan ng bata… Sasabihin ang procedure, magpapa-activity at sasabihing “Naiintindihan niyo ba?” tas hindi mo sure kung talagang naiintindihan ba talaga nila o hindi kaya sumasagot na lang sila na Opo

Naintindihan ko, na oo, na hanggang ngayon marami pa ring nagmamaliit sa mga estudyanteng nasa lower section nakakalungkot pero ito ang katotohanan, ang sabi ko nga sa sarili ko ganito ba talaga sistema sa’tin? Ang sabi ko kung sakaling maging Adviser ako ng lower regular section, hindi ko aaksayahin ang sampung buwan ko pamamalagi sa loob ng room ng walang natutunan ang bata mula sa’kin, ayoko, parang tinapon ko lang ang Bachelor Course ko sa wala.

Aaminin ko, sa dami ng sections na nahawakan ko sa tatlong buwan kong pamamalagi sa isang Public School bilang isang Student-Teacher, sobrang daming flaws,at  ang daming maling sistema na na-obserbahan hindi ko na-iisa-isahain baka maiyak lang ako.

Masaya…. Masaya ang matuto

Sobrang nakaka-stress, nakakaloka, nakakasama ng loob pero iba pala ‘yung sarap kapag may natututunan ka sa mga ginagawa at sa mga pagkakamali mo sa buhay. 

By the way sila nga pala ‘yung mga estudyante ko from Grade 2-A. 

Akala ko tinuturing lang talaga kitang kuya pero putcha hindi pala, mas lalong nadagdagan ‘yung turing ko sa’yo. Hindi tayo magtutugma dahil pessimist ako at optimist ka, at ang nakakainis sa lahat hindi ko magets kung bakit ako nag-kakagusto sa’yo, pero siguro dahil sa ugali mo na talagang hinahanap ko sa isang tao kaya kita nagustuhan. Ayokong tumagal ‘yung ganitong feelings, ayoko. Ayokong lumalim pa ‘to.

Hi, nakakaupset po yung nangyari sa mga tourism students. :( tanong ko lang ate, saang campus ka? ang fc ko po sorry. :)
Anonymous

Hindi lang nakaka-upset, sobrang panghihinayang. Ang paksyit lang ng nangyari sa kanila. Sa Bustos Campus ako.

Ang heart breaking lang.

Sila ‘yung mga schoolmate ko from Main Campus sa Malolos (Nasa ibang campus kase ako at hindi ko sila ka-course) Sobrang mixed emotion ako sa mga estudyante na ‘to, bukod sa mga bata pa sila, napakarami pa nilang kailangang gawin. Nakakalungkot na nakakashock, minsan talaga hindi mo aakalain na nandyan na ‘yung kamatayan sa gilid mo hahatakin na lang basta basta, nakakainis sobra bakit sila pa? Masyado pang maaga pero siguro talagang pinagsama-sama sila dahil talagang time na nila. Halos mga first year palang silang lahat, nagsisimula palang sila sa pangarap nila. ‘Yung third picture nila na magkakasama, ayun na ‘yung last nilang picture mula sa field trip.


Rest in Peace:

Mikhail Alcantara
Michelle Bonzo
Helena Marcelo
Sean Alejo
Jeanette Rivera Madel Navarro