Bilang isang Online Writer

Ito ang isa sa mga pinag kakaabalahan ko ngayon, bukod sa pag-bo-blog.

Wala akong ibang talento, hindi ako katulad ng ibang tao na magaling kumanta, magaling sumayaw. In short wala talaga akong talent, maliban lang sa pag do-doodle sanay naman ako kaso hindi ko alam if consider ba as a talent ba yung pag do-drawing ko na yun. Urgh basta.

Simula nung grade 6 ako, i think i was 12 or 13 i don’t remember na eh, nagsimula na akong mag susulat ng mga kanta, stories dahil sa na-inspired ako sa pinapanood ko noon na coffee prince. Tas nung tumuntong na ako ng i think first year na ako nun, doon ko na natutunan ang mag blog, sa google yung “Blogger” hindi ko na naituloy pa yung pag bo-blog ko doon sa kadahilanan na nakalimutan ko yung email at PW ko, hindi ko na rin naituloy yung pag b-blog ko na yun, tinamad akong ayusin eh. Haha.

Nung first year ako nahilig ako sa pag susulat ng mga lyrics sa notebook ko at mag da-daydream ako, na yung kanta na yun kasama sa imagination ko sa ginagawa kong story, nilalagay ko siya sa maliit kong hello kitty na notebook, tas i-sha-share ko sa mga klasmate ko, natatakot ako baka laiitin nila pero suddenly nag papagawa pa sila, anlawak daw ng imahinasyon ko.

Then nung second year at third year na ako waley na tinamad na akong mag sulat, puro drawing na lang ako.

Sabi ng ilan talent daw yung pag susulat pero para saaken wala lang bwahaha. Yung bang libangan ko lang, hanggang sa na isapuso ko na yung pag susulat ko at napunta ako dito sa cyber world at doon ko na naipag patuloy ang aking “Hobby”.

Hindi sa nag mamayabang, masaya akong nagiging writer ako ngayon ewan ko ba kung talagang writer ang tawag saaken or “ek ek” lang. Masaya akong nakaka pag share ako ng imaginations na parating lumulutang sa isip ko. Masaya ako na sa bawat characters ko nabibigyan ko sila ng kasiyahan, ng kilig moments kahit na alam kong “fictions” lang ang lahat.

Basta, hindi ko alam kung matatawag ba talaga akong “Online Writer”. Writer na walang wenta. Hahaha. Bahala sila. Basta ako, masaya ako sa ginagawa ko at isina-sapuso ko ang pag susulat ko.