Sa tingin ko if buhay pa si mama.

prinsesangmgamanhid:

She still in coma even only machine can save her to live. Sa totoo lang kung ako yung pinapili i choose to live her kahit na nakikita ko siyang nakahiga sa kama ng ilang buwan o sabihin kong umabot pa ng ilang taon hindi ako susuko kahit na hindi niya ako nakikita okay lang saaken alam ko naman kase na naririnig niya ako weh. Kahit na mabaon kami sa utang dahil sa pangbayad lang sa hospital okay lang saaken kase isa siya sa mahalaga sa buhay ko na kinakatakutan kong mawala noon.

Madalas ko siyang napapanaginipan lagi siya naka-smile para bang ibig sabihin niya sa panaginip ko tanggap niya na hanggang doon na lang talaga siya pero well ako hanggang ngayon hindi ko tanggap kahit na isang taon na siyang wala hindi ko pa rin tanggap may times nga na naalala ko yung scene na nangyare sa hospital nun umiiyak ako ng palihim i know she see me when every time i cry, i know that she feel that how i miss her so much. 

Na-mi-miss ko na yung mga bunganga niya saaken sa tuwing TAMAD ako lalo na sa pag lilinis ng bahay at pag titiklop ng sarili kong higaan sinasabihan niya ako ng “Ayusin mo yang kwarto mo ng kasing ganda mo” haha i know it’s annoying pero every time na naalala ko yun napapatawa akong mag isa. Napapangiti ako ng may mga luha sa mga mata ko.

Siguro kung hindi siya namatay naabutan niya akong umaakyat sa stage habang inaabot ko yung diploma ko kase first time ko talagang wala siya nung graduation ko nung highschool and ngayong college na ako wala na akong mapag tatanungan kung paanong construct kong gagawin sa bawat sentences sa english baluktod baluktod kase akong mag english (Well i know hanggang ngayon BWAHAHA) minsan kapag nag co-construct na akong mag english binabatukan niya ako para lang tumino daw utak ko.

Hahaha nakakamiss, nakakaiyak, wala siya ngayon sa tabi ko kung kailan kailangan ko ng translator sa english. Wala na yung kukutuhan ako nung bata pa ako, wala na yung maingay na bunganga na parati kong naririnig sa bawat sulok ng bahay namin. Wala na yung dating nag co-crosstich para lang may frame daw dito sa bahay namin haha, wala na yung saksakan daldal at ingay ko na nanay. Wala na yung nanay ko na nag luwal saaken at hinintay akong lumabas pag katapos ng siyam na buwan, wala ng tumutulong saaken na mag luto at ako na ang tiga luto ngayon haha, wala na yung kahit na 40 pesos lang yung perang bitbit niya pupunta pa rin kami ng mall, wala na yung matabang tabachoy na katabi ko sa pagtulog at ginagawa kong unan, wala ng gigising saaken sa tuwing binabangungot ako, wala ng tiga laba at tiga plantsa ng mga uniform ko sa tuwing papasok na kami ng eskwelahan. Bakit ganun? Kung sino pa yung taong mahalaga saaten bigla bigla na lang nawawala? Well they said ganun talaga ang buhay may mawawala sa bawat mahal natin sa buhay. 

Basta eto lang ang nasa puso ko at ang nasa loob ko ngayon at sa buong buhay ko. Mahal na mahal kita ma. 

Kung ako sayo MAHALIN mo ang nanay mo hanggang nanjan pa siya sa tabi mo. Like my experience sana maging aral na rin sayo bilang pag mamahal mo sa magulang mo. :) Sana makatulong sayo ‘to kahit na alam kong non-sense ‘to at trying hard ako sa pag e-english simula palang. Kailangan ko rin kasin tumayo sa sarili kong paa yung hindi ako umaasa sa nanay ko kase darating din ang araw na ako na lang ang naiisa walang tutulong walang sasapo. Mahalin mo sila hangga’t aruga ka nila. Mahalin mo sila ng bukal sa loob mo. :)

Panahon na para mag drama muli. Pasensyahan mo na nami-miss ko lang siya.

Kapag may tinanong kang Tumblrista dati.

matabangutak:

Noon:

X:Huy may tumblr ka?

Y: Ay oo! Sarap kaya mag sulat dun at magkuha ng pictures, ang daming nakaka appreciate sayo. Para bang magkakakilala kayo lahat kahit na hindi kayo nag uusap usap! Tapos may mga meetup magkikita kita kayo tapos mag pipicture tapos dadami kaibigan mo.

Ngayon:

X: Huy may tumblr ka?

Y: Nag deact/hiatus na ko. Potang yan puro isyu sa tumblr famous, notes, unfollower, araw-araw na lang puro Tumblr Ask ang dashboard, simpleng opinyon mo may sasagot lalo na kapag bukas ang anon mo. Tapos sarili mong blog gustong may mag admin! Lahat pinapakealamanan!! 

Ganon talaga ang buhay, makakatagpo ka ng akala mo kaibigan mo ng mag tatagal sa buhay mo,

pero oras na nakahanap na sila nh taong magiging kaibigan na nila. Masakit man or nakakatampo iiwan ka rin nila at kakalimutang naging parte ka ng buhay nila.

Hindi ka nabuhay para i-please ang mga putang taong ayaw sa’yo.

Galing ako mula sa mahirap na lugar. Ang lugar ng tondo. Kung saan marumi, maraming squatter, maraming tao, maraming ilog ngunit itim na. Simula ng ipinanganak ako rito, bawat buhay na ginagawa namin dito ay nakasanayan na namin, bawat issue nand’yan ang mga tao para pag chismisan kayo, kapag naman mayaman o may kaya ka, lalapit sa’yo ang mga taong naninira sa’yo at para mangutang pero hindi na babalik at hanggang sa makalimutan na lang ang inutang nila sa’yo. Minsa pa nga’y sisiraan ka pa sa ibang tao. Naranasan ko, namin na mapag usapan mula sa isang masikip na baryo, hindi ko alam kung bakit nila pinag uusapan ang pamilya namin, eh wala naman kaming ginagawang masama sa kanila. Ganito ang buhay sa tondo, kahit na wala kang ginagawang masama, gagawan ka ng issue, gagawan ka ng haka hakang ‘di mo malaman kung sang halipaap na hakot. Bawat kilos mo, pag tsi-tsismisan, kaya’t hanggang maari kapag ika’y nasa ganitong estado, itikom mo na lang ang iyong nangangaliting bibig, at takpan ang tainga sa mga salitang ni hindi mo manlang nagawa.

Ganito sa tondo, kung ika’y isa sa mga angat, ika’y pag uusapan. Mala showbiz ang peg. Kaya’t kung gusto mong makipag rambulan sa kanila, maghanda ka ng kitsilyo, abogado, pulis, kaligtasan ng pamilya mo at ang sarili mo. Mahirap ang mabuhay sa masikip at mapanghusgang lugar.

Maraming naiinis sa’ken kahit nag papakatotoo ako, sige makikipag plastikan na lang ako para hindi sila mainis.
Hangga’t alam mong walang dahilan para sumuko, tuloy mo ang laban.
Kung ano dinami ng notes/followers mo, ganon din kalakin ng ulo mo.
That’s only a fantasy. Just imaginations. For short Its not real.
My favorite author is god.
Naalala ko pa dating unang araw ko dito sa tumblr,

mukha akong tanga nu’n. Tas puro reblogged post ng mga qoutes at pagkain lang ang laman ng blog ko na ‘yun. Then ang aastig ng mga famous nung araw na ‘yun. Hindi recycled ‘yung mga posts nila talagang pinag isipan muna bago i-post. Ang galing kaya nila, tas wala pang ka isyu isyu nu’n, bibihira lang ang haters na sasalubong sa’yo. ‘Yung mga moment na ganon, ang saya saya sa dash tuwing gabi kase ng maraming online at ma-re-relate na naman ako sa mga pino-post nila. Hahaha. Hindi ko naman ikinukunpara ngayongs tumblr sa lumang tumblr. Nakaka miss lang. Masarap mag blog. Sobra. Nakakamiss. ;).

Ganon ang mundo, asahan mo bawat ikilos mo. Mali.

Kapag nasira ang araw mo sa isang bagay,

hayaan mo na, h’wag mong sayangin ang oras mo d’yan if nakakita ka man ng bagay na ‘yun basta gora lang ang buhay! smile ka lang, h’wag mo na lang silang isipin. ;)

Simple lang naman ang gusto ko eh,

Simpleng style,
Simpleng ayos,
Simpleng ako,
Simpleng kanta,
Simpleng disenyo,
At Mahal kita, ikaw lang at ako. Diba simple lang naman ‘yun? 

‘Yung masakit?

May lumalapit sa’yong babae, nag seselos ako pero sabi mo ako lang,
Pero nung may lumandi sa’yo, putang ina gumanti ka naman ng pakikipaglandian.