Si Noemi /Noy-mi/

image

Ako nga pala si Noemi. Walang apelyido. Hindi ko nilalagay ang buong pangalan ko through cyber world, so if you’re soooo curious, try to backread. Kung masipag ka. Charing~.

Hindi naman ako gano’n kagalingan sa pag b-blog katulad ng mga bloggers na hinahangaan mo dito sa tumblr, pero tumungo ako dito sa tumblr world para lang i-share ang mga naiisip ng isang alien— na katulad ko. Charot. Joke lang I came here to share what ideas I really want to share.

Mula ako sa simpleng pamilya, minsang magulo, madalas puro AWAY. Madilim na yung tahanan namin, napundi na kase yung liwanag sa tahanan namin—- for short wala na ako nanay, may pader pa naman kami kung saan siya ang nagbibigay ng prokteksyon saamin— Ang aking itay. 

Panganay akong anak. Ako’y 17 years old na, na ayaw mag 18. Forever young peg ko.

Isa akong open minded na tao na minsan nagiging narrow-minded pero madalas open minded sa kung anong sitwasyon ang nangyayari sa kapaligiran ko, so natural na sa’ken dito ang magmura at minsan mo lang akong makikitang mag post ng malilibog na post kaya ‘wag kang mag alala. Teka naitindihan mo ba pakay ko?

Pangarap kong maging isang NURSE, gustong gusto kong lumuligtas ng mga buhay ng ibang tao, kaso sa kadahilanan na marami ng nurses dito sa ating bansa. So I decide to choose a FUTURE EDUCATOR para naman sa mga batang kailangan ng mga karunungan at kaalaman for short i’m a BACHELOR IN ELEMENTARY EDUCATION. Kahit na hindi ko naman type ang kors ko na ‘to gora pa rin ako.

Hindi ako sanay mag english, sa ngayon nag AARAL pa ako. If may makita ka mang MALI. Nobody’s PERFECT nga diba? so if lalaitin mo man ako. Congrats! Napaka-perpekto mong tao!. Baka nga hindi kana tao, kundi baka auto correction kana. Charot.

May pag ka prangka akong tao, ayoko ng paliguy-ligoy na salita, pero kapag alam kong masakit ang sasabihin ko, tatahimik na lang ako. Mabilis akong ma konsensya.

Mayroon akong BOYFRIEND simula pa nung pinanganak ako, kahit na kino-consider ko na NBSB ako, wala akong pakielam basta mahal na mahal ko siya. Saan ka pa? Bestfriend ko na boyfriend ko pa at tatay ko pa multitasking peg niya para lang saakin at sa inyo— one and only GOD.

Sanay naman akong mag DOODLE at mag drawing, kaya kahit papaano may talent ako at proud ako na mayroon akong talent na ganon, pero hindi ko sinasabi na IPINAGMAMAYABANG ko.

Mahilig akong mag sulat ng mga kwento lalong lalo na ang LOVE STORY. May baduy, may happy ending pero madalas nagiging parte na rin ang istorya ko ang buhay ko.

Ang blog na ‘to ay may pagka semi privacy at may pagka semi public parang eskwelahan lang e noh? Pero kung may balak kang pakielaman at alamin ang buhay ko. All I want to say that you should stay on tumblr at hindi dapat makakalabas pa sa ibang tao~ maniwala ka sa karma hindi ako nananakot, na sa sayo na lang kung ipag kakalat mo kung ano mang nababasa mo sa blog ko na ‘to. Nand’yan lang ako sa tabi mo at kanan kamay ako ni kamatayan if gagawin mo *Witch laugh*.

  • Para sa nga nag fo-follow saaken. Maraming salamat kase kahit na NON-SENSE ang mga pinag-po-post ko hindi ko ine-expect na minsan na-re-relate kayo sa mga pinag susuat ako. Masaya na ako na may nagbubukas ng blog ko na’to.
  • Para sa mga HATERS or mang ha-hate palang, wala akong pakielam sa kung ano mang binubunching ng mga pwet mo, ang saaken hindi ako apektado sa mga sasabihin mong WALA namang KWENTA. Ikaw ang nag sasayang ng ORAS mo at hindi ako.

Maraming salamat sa pag ubos ng oras para lang mabasa ‘tong tungkol saaken!. Charot.